Mga Tuntunin ng Serbisyo ng Google Analytics

Ang Mga Tuntunin ng Serbisyo ng Google Analytics na ito (ang "Kasunduan") ay sinang-ayunan ng Google LLC ("Google") at ng entity na nagsasagawa ng Kasunduang ito ("Ikaw/Mo/Iyo/Ka"). Sinasaklawan ng Kasunduang ito ang paggamit Mo ng karaniwang Google Analytics (ang "Serbisyo"). SA PAMAMAGITAN NG PAG-CLICK SA BUTTON NA "TINATANGGAP KO," PAGKUMPLETO SA PROSESO NG PAGPAPAREHISTRO, O PAGGAMIT NG SERBISYO, KINIKILALA MONG NASURI AT TINATANGGAP MO ANG KASUNDUANG ITO AT AWTORISADO KANG KUMILOS SA NGALAN NG, AT IPASAILALIM SA KASUNDUANG ITO ANG, MAY-ARI NG ACCOUNT.

Isang tool ng negosyo ang aming Serbisyo. Dapat mong gamitin ang aming Serbisyo para lang sa mga layuning may kaugnayan sa iyong trabaho, negosyo, kasanayan, o propesyon.

Bilang pagsasaalang-alang sa mga nauukol na karapatan at obligasyon ng mga party na inilarawan sa Kasunduang ito, sumasang-ayon ang mga party sa sumusunod:

1. Mga Kahulugan.

Ang "Account" ay tumutukoy sa account para sa Serbisyo at Mga Property sa UA at Property sa GA4. Para sa Mga Property sa UA, iipunin ang Mga Hit ng lahat ng View (ayon sa naaangkop) na nauugnay sa isang Property sa UA bago tukuyin ang singil para sa Serbisyo para sa Property sa UA na iyon.

Kasama sa "Kumpidensyal na Impormasyon" ang anumang pinagmamay-ariang data at anumang ibang impormasyong inihayag ng isang party sa kabilang party sa pamamagitan ng sulat at nakamarkang "kumpidensyal" o isiniwalat sa pamamagitan ng pananalita, at, sa loob ng limang araw ng negosyo, naisulat, at minarkahang "kumpidensyal." Subalit, hindi kasama sa Kumpidensyal na Impormasyon ang anumang impormasyong alam o nalaman ng pangkalahatang publiko, na hawak na ng tatanggap na party bago ang paghahayag ng isang party o na mag-isang binuo ng tatanggap na party nang hindi ginagamit ang Kumpidensyal na Impormasyon.

Ang "Data ng Customer" o "Google Analytics Data" ay ang data na kinokolekta, pinoproseso, o sino-store mo gamit ang Serbisyo na tungkol sa mga katangian at aktibidad ng Mga User.

Ang "Dokumentasyon" ay anumang kasamang dokumentasyon na ginawang available sa Iyo ng Google para magamit sa Software sa Pagproseso, kabilang ang anumang dokumentasyong available online.

Ang ”Event" ay isang batayang unit ng pagsukat na pinoproseso sa Serbisyo sa pamamagitan ng Property sa GA4, na puwedeng kinabibilangan ng, pero hindi limitado sa, isang page view, transaksyon, view ng screen, o iba pang interaction. Ang Event ay posibleng isang pag-call sa Serbisyo mula sa iba't ibang library o, kung hindi naman, na inihatid sa Serbisyo sa pamamagitan ng mga OSCI.

Ang “Property sa GA” ay isang Property sa UA o Property sa GA4, ayon sa naaangkop.

Ang “GA4 Property” (dating kilala bilang ‘App + Web’ property) ay ang compilation ng mga setting ng Google Analytics at impormasyong nauugnay sa iisang ‘Property ID’ kung saan ipinapadala ang Mga Event.

Ang "GAMC" ay ang Measurement Code ng Google Analytics, na naka-install sa isang Property para sa layunin ng pagkolekta ng Data ng Customer, kasama ng anumang pag-aayos, pag-update, at pag-upgrade na ibinigay sa Iyo.

Ang “Mga Affiliate sa Google” ay ang Google at ang mga subsidiary na buong pinagmamay-arian nito.

Ang "Hit" ay isang batayang unit ng pagsukat na ipinapadala sa Serbisyo para sa pagpoproseso sa pamamagitan ng Property sa UA. Posibleng kasama sa mga halimbawa ng Mga Hit ang mga hit ng page view at hit sa ecommerce. Ang Hit ay posibleng isang pag-call sa Serbisyo gamit ang iba't ibang library o, kung hindi naman, na inihatid sa Serbisyo sa pamamagitan ng mga OSCI.

Ang “OSCI” ay isang “Officially Supported Client Interface,” na isang mekanismo o protocol na ginawang available o sinusuportahan ng Google na puwedeng gamitin para magpadala ng Mga Hit o Event, ayon sa naaangkop, sa Serbisyo.

Ang kahulugan ng "Platform Home" ay ang user interface kung saan Mo puwedeng i-access ang ilang functionality sa antas ng Google Marketing Platform.

Ang "Software sa Pagproseso" ay ang server-side software ng Google Analytics at anumang upgrade, na nagsusuri sa Data ng Customer at bumubuo ng Mga Ulat.

Ang "Property" ay anumang web page, application, iba pang property, o resource na nasa Iyong kontrol na nagpapadala ng data sa Google Analytics.

Ang "Patakaran sa Privacy" ay ang patakaran sa privacy sa isang Property.

Ang "Ulat" ay ang nagreresultang pagsusuri na ipinapakita sa analytics.google.com, at puwedeng may kasamang pagsusuri para sa isang View o Mga Event.

Ang “Mga SDK” ay ilang partikular na software development kit, na puwedeng gamitin o isama sa isang app ng Property para sa pangongolekta ng Data ng Customer, kasama ang anumang pag-aayos, update, at upgrade na ibinibigay sa Iyo.

Ang "Mga Server" ay ang mga server na kinokontrol ng isang Google Affiliate kung saan sino-store ang Software sa Pagproseso at Data ng Customer.

Ang "Software" ay ang Software sa Pagproseso, GAMC, at/o Mga SDK.

Ang "Third Party" ay anumang third party (i) kung kanino Ka nagbibigay ng access sa Iyong Account o (ii) kung para kanino Mo ginagamit ang Serbisyo para mangolekta ng impormasyon sa ngalan ng third party.

Ang “Property sa UA” ay isang “Property sa Universal Analytics,” na ang compilation ng mga setting ng Google Analytics at impormasyong nauugnay sa parehong ‘Property ID’ kung saan ipinapadala ang Mga Hit.

Ang "Mga User" ay mga user at/o bisita sa Iyong Mga Property.

Ang "View" ay ang koleksyon ng mga setting na sama-samang nagtutukoy sa impormasyong isasama, o hindi isasama, sa Mga Ulat para sa Mga Property sa UA. Halimbawa, puwedeng bumuo ng View para tingnan ang maliit na bahagi ng web site bilang isang natatanging UIat.

Ang mga salitang "isama" at "kasama" ay nangangahulugang "kasama ang, pero hindi limitado sa."

2. Mga Bayarin at Serbisyo.

Napapailalim sa Seksyon 15, Ibinibigay sa Iyo ang Serbisyo nang libre para sa (a) Mga Property sa GA4 at (b) Mga Property sa UA nang hanggang 10 milyong Hit bawat Property sa UA bawat buwan. Puwedeng pana-panahong baguhin ng Google ang mga bayarin at patakaran sa pagbabayad nito para sa Serbisyo kabilang ang pagdaragdag ng mga gastusin para sa heograpikong data, pag-import ng data ng gastos mula sa mga search engine, o iba pang bayaring sinisingil ng mga third party na vendor sa Google o iba pang Affiliate sa Google para sa pagsasama ng data sa mga ulat ng Serbisyo. Ang mga pagbabago sa mga bayarin o mga patakaran sa pagbabayad ay magkakaroon ng bisa kapag tinanggap Mo ang mga pagbabagong ito na ipo-post sa www.google.com/analytics/. Maliban na lang kung iba ang isinasaad, kino-quote sa U.S. Dollar ang lahat ng bayarin. Agad na magiging bayaring kailangang bayaran ang anumang balanse sa pagwawakas ng Kasunduang ito at isasama ang anumang ginastos ng Google para sa pagsingil (kasama ang mga legal na bayarin) sa halagang babayaran, na puwedeng singilin sa credit card o iba pang mekanismo sa paniningil na nakaugnay sa Iyong Google Ads account.

3. Account ng Miyembro, Password, at Seguridad.

Para magparehistro para sa Serbisyo, kailangan Mong kumpletuhin ang proseso ng pagpaparehistro sa pamamagitan ng pagbibigay sa Google ng up-to-date, kumpleto, at tumpak na impormasyon gaya ng hinihingi ng form sa pagpaparehistro, kabilang ang Iyong e-mail address (username) at password. Dapat Mong protektahan ang Iyong mga password at ganap na akuin ang responsibilidad para sa paggamit Mo at ng third party sa Iyong mga account. Ikaw lang ang responsable para sa anuman at lahat ng aktibidad na mangyayari sa Iyong Account (maliban sa mga aktibidad na ginagawa ng, o sa ngalan ng, Mga Affiliate sa Google). Aabisuhan Mo kaagad ang Google sa oras na makaalam Ka ng anumang hindi pinapahintulutang paggamit ng Iyong Account o anumang paglabag sa seguridad. Paminsan-minsan, puwedeng mag-log in ang mga kawani sa suporta ng Mga Affiliate sa Google sa Serbisyo sa ilalim ng Iyong password ng customer para magpanatili ng serbisyo, kasama ang pagbibgiay sa Iyo ng tulong sa mga isyung teknikal o sa pagsingil.

4. Hindi Eksklusibong Lisensya.

Nang napapailalim sa mga tuntunin at kundisyon ng Kasunduang ito, (a) binibigyan Ka ng Google ng limitado, mababawi, hindi eksklusibo, hindi puwedeng i-sublicense na lisensyang mag-install, kumopya, at gumamit ng GAMC at/o mga SDK kung kailangan lang para magamit Mo ang Serbisyo sa Iyong Mga Property o Mga Property ng Third Party; at (b) puwede Mong remote na i-access, tingnan, at i-download ang Iyong Mga Ulat na naka-store sa www.google.com/analytics/. Hindi Mo gagawin ang sumusunod (at hindi Mo papayagan ang sinumang third party na gawin ang sumusunod): (i) pagkopya, pagbago, pag-angkop, pagsasalin, o kung hindi man, paggawa ng hinangong gawa ng Software o Dokumentasyon, (ii) pag-reverse engineer, pag-decompile, pag-disassemble, o kung hindi man, pagtatangkang tuklasin ang source code ng Software, maliban kung hayagang pinapahintulutan ng batas na pinatutupad sa hurisdiksyon kung nasaan Ka; (iii) pagpaparenta, pagpapaupa, pagbebenta, pagtatalaga, o kung hindi man, paglilipat ng mga karapatan sa o para sa Software, sa Dokumentasyon, o sa Serbisyo; (iv) pag-aalis ng anumang pinagmamay-ariang abiso o label ng Software o na inilagay ng Serbisyo; (v) paggamit, pag-post, paghahatid, o pagpapakilala ng anumang device, software, o routine na nakakasagabal o nagtatangkang makasagabal sa pagpapatakbo ng Serbisyo o ng Software, o (vi) paggamit sa Serbisyo ng data na may label na pag-aari ng isang third party para sa mga layuning iba kaysa sa pagbuo, pagtingin, at pag-download ng Mga Ulat. Susunod Ka sa lahat ng naaangkop na batas at regulasyon sa paggamit Mo ng at pag-access sa Dokumentasyon, Software, Serbisyo, at Mga Ulat.

5. Pagiging Kumpidensyal at Mga Beta na Feature.

Wala sa alinmang party ang gagamit o maghahayag ng Kumpidensyal na Impormasyon ng kabilang party nang walang paunang nakasulat na pahintulot ng kabilang party maliban kung para sa layunin ng pagsasagawa ng mga obligasyon nito sa ilalim ng Kasunduang ito o kung iniatas ng batas, regulasyon, o utos ng hukuman; sa ganitong sitwasyon, ang party na kailangang maghayag ng Kumpidensyal na Impormasyon ay magbibigay sa kabilang party ng abiso hanggang sa makatuwirang magagawa bago ihayag ang Kumpidensyal na Impormasyon. Tinutukoy ng Google ang ilang partikular na feature ng Serbisyo bilang "Alpha," "Beta," "Eksperimento," (nasa Serbisyo man o nasa ibang lugar) o bilang hindi sinusuportahan o kumpidensyal (sama-samang tinatawag na "Mga Beta na Feature"). Hindi mo puwedeng ihayag ang anumang impormasyon mula sa Mga Beta na Feature o ang mga tuntunin o ang pagkakaroon ng mga hindi pampublikong Beta na Feature. Hindi magkakaroon ng pananagutan ang Google at ang Mga Affiliate sa Google (kasama ang anumang obligasyon sa pagbabayad-danyos) na idudulot ng, o na may kaugnayan sa, anumang Beta na Feature. Ikaw lang ang responsable sa anumang paggamit ng Mga Feature ng Beta at puwede itong mapailalim sa mga karagdagang kinakailangan gaya ng tinukoy ng Google. Hindi obligado ang Google na magbigay ng suporta para sa Mga Beta na Feature at, kung gugustuhin ng Google, puwede nitong ihinto ang pagbibigay ng Mga Beta na Feature bilang bahagi ng anumang Serbisyo.

6. Mga Karapatan sa Impormasyon at Publicity.

Hindi ibabahagi ng Google ang Iyong Data ng Customer o anumang Data ng Customer ng Third Party sa sinumang third party maliban kung ang Google ay (i) may pahintulot Mo para sa anumang Data ng Customer o anumang pahintulot ng Third Party para sa Data ng Customer ng Third Party; (ii) nagpasyang kinakailangan ito ayon sa batas o may magandang loob itong paniniwala na ang pag-access, pagpapanatili, o paghahayag ng Data ng Customer ay makatuwirang kinakailangan para protektahan ang mga karapatan, property, o kaligtasan ng Google, ng mga user nito, o ng publiko, o (iii) nagbibigay ng Data ng Customer sa ilang limitadong pangyayari sa mga third party para magsagawa ng mga gawain sa ngalan ng Google (hal., sa pagsingil o storage ng data) na may istriktong mga paghihigpit na pipigil sa paggamit o pagbahagi ng data maliban kung iniutos ng Google. Kapag natapos na ito, mapapailalim ito sa mga kasunduang umoobliga sa mga partidong iyon na iproseso ang Data ng Customer ayon lang sa mga tagubilin ng Google at alinsunod sa Kasunduang ito at sa mga naaangkop na hakbang sa pagiging kumpidensyal at seguridad.

7. Privacy.

Hindi mo gagawin, at hindi mo tutulungan o papahintulutan ang sinumang third party na, magpasa ng impormasyon, naka-hash man o hindi, sa Google na puwedeng gamitin o tukuyin ng Google bilang impormasyong nagbibigay ng personal na pagkakakilanlan, maliban sa kung saan pinapahintulutan ng, at na napapailalim sa, mga patakaran o tuntunin ng mga feature ng Google Analytics na ginawang available sa Iyo, at puwede lang ito kung ang anumang impormasyong ipinasa sa Google para sa naturang feature ng Google Analytics ay na-hash sa pamamagitan ng mga pamantayan sa industriya. Magkakaroon Ka at susundin Mo ang isang naaangkop na Patakaran sa Privacy at susundin ang lahat ng naaangkop na batas, patakaran, at alituntuning nauugnay sa pagkolekta ng impormasyon mula sa Mga User. Kailangan mong mag-post ng Patakaran sa Privacy at ang Patakaran sa Privacy na iyon ay kailangang magbigay ng abiso tungkol sa paggamit Mo ng cookies, mga pagkakakilanlan para sa mga mobile device (hal., Advertising Identifier sa Android o Advertising Identifier para sa iOS), o katulad na teknolohiyang ginagamit para mangolekta ng data. Dapat mong ihayag ang paggamit ng Google Analytics, at kung paano ito nangongolekta at nagpoproseso ng data. Magagawa ito sa pamamagitan ng paglalagay ng kitang-kitang link sa site na "Paano ginagamit ng Google ang impormasyon mula sa mga site o app na gumagamit ng aming mga serbisyo," (makikita sa www.google.com/policies/privacy/partners/, o anupamang URL na posibleng ibigay ng Google paminsan-minsan). Magsasagawa Ka ng mga pagsisikap na makatuwiran ayon sa komersyo para siguraduhing ang isang User ay nabibigyan ng malinaw at komprehensibong impormasyon tungkol sa, at sumasang-ayon sa, pag-store at pag-access ng cookies o iba pang impormasyon sa device ng User kung saan nagaganap ang ganoong aktibidad na kaugnay sa Serbisyo at kung saan ang pagbibigay ng ganoong impormasyon at pagkuha ng ganoong pahintulot ay hinihingi ng batas.

Hindi mo dapat iwasan ang anumang feature ng privacy (hal., ipag-opt out) na bahagi ng Serbisyo. Susunod Ka sa lahat ng naaangkop na patakaran ng Google Analytics na matatagpuan sa www.google.com/analytics/policies/ (o katulad na iba pang URL na puwedeng ibigay ng Google) na pana-panahong binabago (ang "Mga Patakaran ng Google Analytics").

Puwede Kang sumali sa isang pinagsamang bersyon ng Google Analytics at ilang partikular na serbisyo ng Google sa pag-advertise ("Mga Feature ng Pag-advertise ng Google Analytics"). Kung gumagamit Ka ng Mga Feature ng Pag-advertise sa Google Analytics, susundin Mo ang patakaran ng Mga Feature ng Pag-advertise sa Google Analytics (makikita sa support.google.com/analytics/bin/answer.py?hl=fil&topic=2611283&answer=2700409). Ang iyong access sa at paggamit ng anumang serbisyo ng Google sa pag-advertise ay napapasailalim sa mga naaangkop na tuntunin sa pagitan Mo at ng Google hinggil sa serbisyong iyon.

Kung ginagamit Mo ang Platform Home, ang paggamit Mo ng Platform Home ay napapailalim sa Mga Karagdagang Tuntunin ng Platform Home (o anuman ang susunod na ipapangalan) na available sa https://support.google.com/marketingplatform/answer/9047313 (o katulad na iba pang URL na puwedeng ibigay ng Google) na pana-panahong binabago (ang "Mga Tuntunin ng Platform Home").

Hanggang sa nasasaklawang paggamit Mo sa Serbisyo, sumasang-ayon Ka at ang Google sa Mga Tuntunin ng Pagproseso ng Data ng Google Ads sa https://business.safety.google/adsprocessorterms/ (ang “Mga Tuntunin ng Pagpoproseso”). Hindi babaguhin ng Google ang Mga Tuntunin ng Pagpoproseso, maliban kung hayagang pinapahintulutan sa ilalim ng Mga Tununin ng Pagpoproseso.

8. Pagbabayad-danyos.

Hanggang sa pinahihintulutan ng naaangkop na batas, magbabayad-danyos Ka sa, hindi Mo ipapahamak, at ipapagtanggol Mo ang Mga Affiliate sa Google, sa sarili Mong gastos, laban sa (a) anuman at lahat ng claim, aksyon, paglilitis, at demandang inihain ng third party laban sa anumang Affiliate sa Google o sinuman sa kanilang mga opisyal, direktor, empleyado, ahente, o affiliate, at (b) lahat ng nauugnay na pananagutan, pinsala, areglo, parusa, multa, halaga, o gastusin (kasama ang makatywirang bayarin sa mga abugado at iba pang gastusin sa paglilitis) na natamo ng sinumang Affiliate sa Google o sinuman sa kanilang mga opisyal, direktor, empleyado, ahente, o affiliate, na dulot ng o may kaugnayan sa mga naturang claim, aksyon, paglilitis, at demanda ng third party; sa bawat sitwasyon, bilang resulta ng (i) Iyong paglabag sa anumang tuntunin o kundisyon ng Kasunduang ito, (ii) paggamit Mo ng Serbisyo, (iii) Iyong mga paglabag sa mga naaangkop na batas, panuntunan, o regulasyon na kaugnay ng Serbisyo, (iv) anumang pagkatawan at warranty na ginawa Mo tungkol sa anumang aspeto ng Serbisyo, Software, o Mga Ulat sa anumang Third Party; (v) anumang paghahabol na ginawa ng o sa ngalan ng anumang Third Party na tumutukoy nang direkta o hindi direkta sa Iyong paggamit ng Serbisyo, Software, o Mga Ulat; (vi) paglabag sa Iyong mga obligasyon ng privacy sa anumang Third Party; at/o (vii) anumang paghahabol patungkol sa mga pagkilos o hindi pagkilos ng anumang Third Party kaugnay ng serbisyo, Software, o Mga Ulat. Bibigyan Ka ng Google ng nakasulat na abiso ng anumang paghahabol, demanda, o pagkilos kung saan Mo dapat bayaran ng danyos ang Mga Affiliate sa Google. Ganap kang makikipagtulungan ayon sa makatwirang kailangan sa pagtatanggol ng anumang paghahabol. Nakalaan sa Google ang karapatan, sa sarili nitong gastos, na ipatupad ang Seksyon 8 na ito sa ngalan ng lahat ng Affiliate sa Google at taglay nito ang eksklusibong depensa at kontrol sa anumang usaping napapailalim sa pagbabayad-danyos Mo.

9. Mga Third Party.

Kung ginagamit Mo ang Serbisyo sa ngalan ng Third Party o kung hindi man ay isang Third Party ang gumagamit ng Serbisyo sa pamamagitan ng Iyong Account, awtorisado Ka man o hindi ng Google na gawin ito, kinakatawan at pinatutunayan Mong (a) awtorisado Kang kumilos sa ngalan ng, at ipasailalim sa Kasunduang ito ang, Third Party sa lahat ng obligasyong mayroon Ka sa ilalim ng Kasunduang ito, (b) puwedeng magbahagi ang Google sa Third Party ng anumang Data ng Customer na partikular sa Mga Property ng Third Party, at (c) hindi Mo ihahayag ang Data ng Customer ng Third Party sa alinmang iba pang party nang walang pahintulot ng Third Party.

10. DISCLAIMER NG MGA WARRANTY.

HANGGANG SA SUKDULANG SAKLAW NA PINAHIHINTULUTAN NG NAAANGKOP NA BATAS, MALIBAN KUNG HAYAGANG IBINIGAY SA KASUNDUANG ITO, WALANG IBANG GAGAWING WARRANTY ANG GOOGLE, HAYAGAN MAN, IPINAHIWATIG, ISINABATAS, O HINDI MAN, KABILANG NANG WALANG LIMITASYON ANG MGA WARRANTY NG KAKAYAHANG MAIKALAKAL, KAANGKUPAN PARA SA ISANG PARTIKULAR NA PAGGAMIT, AT HINDI PAGLABAG.

11. LIMITASYON NG SAGUTIN.

HANGGANG SA PINAHIHINTULUTAN NG NAAANGKOP NA BATAS, HINDI MANANAGOT ANG GOOGLE PARA SA MGA NAWALA MONG KITA O MGA HINDI DIREKTA, ESPESYAL, NAGKATAON, KINAHINATNAN, HUWARAN, O PAMPARUSANG PINSALA, KAHIT NA KUNG ANG GOOGLE O MGA SUBSIDIARY AT AFFILIATE NITO AY NAABISUHAN NG, NALAMAN, O DAPAT NALAMAN NA POSIBLE ANG MGA NASABING PINSALA AT KAHIT NA HINDI NAKASAPAT ANG MGA DIREKTANG PINSALA BILANG REMEDYO. ANG KABUUANG NAIPONG PANANAGUTAN NG GOOGLE (AT NG MGA SUBSIDIARY NA BUONG PINAGMAMAY-ARIAN NITO) SA IYO O SA ALINMANG IBA PANG PARTIDO PARA SA ANUMANG KAWALAN O PINSALA MULA SA MGA PAGHAHABOL, DEMANDA, O PAGKILOS NA NAGMULA SA O KAUGNAY NG KASUNDUANG ITO AY HINDI LALAMPAS SA $500 (USD).

12. Paunawa tungkol sa Mga Karapatan sa Pinagmamay-arian.

Ang Serbisyo, na kinabibilangan ng Software at lahat ng Mga Karapatan sa Intellectual Property na nakapaloob dito ay, at mananatiling, pag-aari ng Google (at ng iba pang Affiliate sa Google). Lahat ng karapatang nakapaloob sa at karapatan sa Software na hindi hayagang ipinagkaloob sa Iyo sa Kasunduang ito ay nakareserba at pinapanatili ng Google at ng mga tagapaglisensya nito nang walang paghihigpit, kabilang ang, karapatan ng Google (at ng ibang Affiliate sa Google nito) sa ganap na pagmamay-ari sa Software at Dokumentasyon. Nang hindi nililimitahan ang pangkalahatang uri ng nabanggit, sumasang-ayon Kang hindi (at hindi pahihintulutan ang anumang third party na): (a) isa-sublicense, ipamamahagi, o gagamitin ang Serbisyo o Software sa labas ng saklaw ng lisensyang ipinagkaloob sa Kasunduang ito; (b) kokopyahin, babaguhin, iaangkop, isasalin, gagawa ng mga hinangong gawa, ire-reverse engineer, idi-disassemble, o ide-decompile ang Software, o kung hindi naman ay tatangkaing tuklasin ang anumang source code o mga sikretong pangkalakal na nauugnay sa Serbisyo o Dokumentasyon; (c) parerentahan, pauupahan, ibebenta, itatalaga, o kung hindi naman ay ililipat ang mga karapatang nakapaloob sa o karapatan sa Software, Dokumentasyon, o sa Serbisyo; (d) gagamitin, ipo-post, ipadadala, o ikokonekta ang anumang device, software, o routine na nakakasagabal o nagtatangkang makasagabal sa pagpapatakbo ng Serbisyo, Dokumentasyon, o ng Software; (e) gagamitin ang mga trademark, pangalang pangkalakal, marka ng serbisyo, logo, domain name, at iba pang nagpapakilalang feature ng brand o anumang copyright o iba pang karapatan sa pinagmamay-ariang nauugnay sa Serbisyo para sa anumang layunin nang walang hayagang nakasulat na pahintulot ng Google; f) magrerehistro, magtatangkang magrehistro, o tutulungan ang sinumang magrehistro ng anumang trademark, pangalang pangkalakal, marka ng serbisyo, logo, domain name, at iba pang nagpapakilalang feature ng brand, copyright, o iba pang karapatan sa pinagmamay-ariang nauugnay sa Google (o ng ibang Affiliate sa Google, kung ganoon ang sitwasyon) maliban sa ngalan ng Google (o ng ibang Affiliate sa Google, kung ganoon ang sitwasyon); (g) aalisin, itatago, o babaguhin ang anumang abiso sa copyright, trademark, o iba pang karapatan sa pinagmamay-ariang nakikita sa o nasa anumang item na kasama ng Serbisyo o Software; o (h) hihingi, sa isang prosesong nai-file sa panahon ng termino ng Kasunduang ito o nang isang taon matapos ang nasabing termino, ng tagapigil na utos ng anumang bahagi ng Serbisyo batay sa paglabag sa patent.

13. Mga Karapatan ng Pamahalaan ng U.S.

Kung ang paggamit ng Serbisyo ay kinukuha ng o sa ngalan ng Pamahalaan ng U.S. o ng isang pangunahing contractor o subcontractor ng Pamahalaan ng U.S. (sa anumang antas), alinsunod sa 48 C.F.R. 227.7202-4 (para sa mga pagkuha ng Department of Defense (DOD)) at sa 48 C.F.R. 2.101 at 12.212 (para sa mga pagkuha na hindi DOD), ang mga karapatan ng Pamahalaan sa Software, kasama ang mga karapatan nitong gamitin, baguhin, gumawa ng kopya, ilabas, isagawa, ipakita, o ihayag ang Software o Dokumentasyon, ay ipapailalim sa lahat ng aspeto sa mga komersyal na karapatan sa lisensya at sa mga paghihigpit na ibinibigay sa Kasunduang ito.

14. Termino at Pagwawakas.

Puwedeng tapusin ng alinman sa mga party ang Kasunduang ito anumang oras nang may abiso. Sa anumang pagtatapos ng Kasunduang ito, ihihinto ng Google ang pagbibigay, at ihihinto Mo ang pag-access sa Serbisyo. Dagdag pa rito, kung winakasan ang Iyong Account at/o Mga Property sa GA, (i) ide-delete Mo ang lahat ng kopya ng GAMC sa lahat ng Property at/o (ii) sususpindihin mo ang anuman at lahat ng paggamit sa mga SDK sa loob ng 3 araw ng negosyo mula sa nasabing pagwawakas. Sa anumang pagtatapos, (a) hindi Ka magkakaroon ng karapatan sa anumang refund ng anumang bayarin sa paggamit o iba pang bayarin, at (b) anumang natitirang balanse para sa Serbisyo na ipinagkaloob hanggang sa petsa ng pagtatapos ay agad na dapat bayaran nang buo, at (c) lahat ng Iyong nakaraang data ng Ulat ay hindi na magiging available sa Iyo.

15. Mga Pagbabago sa Mga Tuntunin ng Serbisyo at Iba Pang Patakaran.

Puwedeng baguhin ng Google ang mga tuntuning ito o anumang karagdagang tuntuning nalalapat sa Serbisyo para, halimbawa, ipakita ang mga pagbabago sa batas o mga pagbabago sa Serbisyo. Dapat mong palaging tingnan ang mga tuntunin. Ipo-post ng Google ang abiso tungkol sa mga pagbabago sa mga tuntuning ito sa https://www.google.com/analytics/terms/, sa Mga Patakaran sa Google Analytics sa www.google.com/analytics/policies/, o iba pang patakarang tinukoy sa mga tuntuning ito sa naaangkop na URL oara sa nasabing mga patakaran. Hindi ilalapat ang mga pagbabago sa nakaraan at magkakaroon ng bisa pagkatapos ng 14 na araw matapos mai-post ang mga ito. Kung hindi Ka sumasang-ayon sa mga binagong tuntunin para sa Serbisyo, dapat Mong ihinto ang paggamit Mo ng Google Analytics. Walang pag-amyenda o pagbabago sa Kasunduang ito ang magkakabisa maliban (i) kung nakasulat at nilagdaan ng angkop na awtorisadong kinatawan ng Google, (ii) kung tatanggapin Mo ang mga na-update na tuntunin online, o (iii) patuloy Mong gagamitin ang Serbisyo matapos i-post ng Google ang mga update sa Kasunduan o sa anumang patakarang sumasaklaw sa Serbisyo.

16. Miscellaneous, Naaangkop na Batas, at Lugar.

(a) Hindi inoobliga ang Google sa pagsasagawa sa Kasunduang ito hanggang sa punto kung saan ang pagsasagawa ay pinigilan, inantala, o hinadlangan ng mga dahilang hindi sakop ng makatuwirang kontrol nito. (b) Ang Kasunduang ito (kabilang ang anumang pagbabagong napagkasunduan ng mga partido sa pamamagitan ng pagsulat) ay kumakatawan sa kumpletong kasunduan sa pagitan Mo at ng Google tungkol sa paksang usapin nito, at nangingibabaw sa lahat ng naunang kasunduan at pagkatawan sa pagitan ng mga party. (c) Kung may anumang probisyon ng Kasunduang itong itinuring na hindi maipapatupad sa anumang dahilan, babaguhin ang nasabing probisyon hanggang sa puntong kinakailangan para maipatupad ito sa maximum na hangganang pinapayagang maipatupad para maabot ang layunin ng mga party, at magpapatuloy na may buong puwersa at bisa ang natitirang bahagi ng Kasunduang ito. (d) Ang Kasunduang ito ay nasasaklawan ng at bibigyang-kahulugan sa ilalim ng mga batas ng estado ng California nang walang pagsangguni sa mga prinsipyo ng salungatan ng batas. Sakaling magkaroon ng anumang salungatan sa pagitan ng batas, mga panuntunan, at mga regulasyon ng ibang bansa, at ng batas, mga panuntunan, at mga regulasyon ng California, ang batas, mga panuntunan, at mga regulasyon ng California ang mananaig at ipatutupad. Bawat partido ay sumasang-ayon na sumailalim sa eksklusibo at personal na hurisdiksyon ng mga hukumang matatagpuan sa Santa Clara County, California. Hindi nalalapat sa Kasunduang ito ang United Nations Convention on Contracts for the International Sale of Goods at ang Uniform Computer Information Transactions Act. Susunod Ka sa lahat ng naaangkop na batas at regulasyon sa pagkontrol ng pag-export, kabilang ang (i) Export Administration Regulations ("EAR") na ipinapatupad ng U.S. Department of Commerce, (ii) mga pangkalakalan at pang-ekonomiyang batas na ipinapatupad ng Office of Foreign Assets Control ng U.S. Treasury Department, at (iii) ang International Traffic in Arms Regulations ("ITAR") na ipinapatupad ng U.S. Department of State. (f) Ang anumang abiso sa Google ay dapat ipadala sa: Google LLC, 1600 Amphitheatre Parkway, Mountain View, CA 94043, USA, na may kopya para sa Legal Department, sa pamamagitan ng first class o air mail o overnight na courier, at ipinapalagay na naibigay sa pagkatanggap nito. (g) Ang isang waiver ng anumang default ay hindi waiver ng anumang susunod na default. (h) Hindi Mo puwedeng italaga o kung hindi man ay ilipat ang anuman sa Iyong mga karapatan sa Kasunduang ito nang wala ang naunang nakasulat na pahintulot ng Google, at walang bisa ang anumang naturang pagtatangka. (i) Ang ugnayan sa pagitan Mo at ng Google ay hindi tulad ng isang ugnayan ng legal na partnership, pero ng sa isa sa mga independent na contractor. (j) Ipapatupad at ipapataw ang Kasunduang ito para sa kapakinabangan ng kanya-kanyang tagapagmana at pinaglaanan ng mga partido mula ngayon. (k) Ang mga sumusunod na seksyon ng Kasunduang ito ay mananatili sa kabila ng anumang pagwawakas na iyon: 1, 4, 5, 6 (maliban sa huling dalawang pangungusap), 7, 8, 9, 10, 11, 12, 14, 16, at 17.

17. Google Analytics at Firebase.

Kung magli-link Ka sa Firebase ng Property sa GA (“Pag-link sa Firebase”) bilang bahagi ng paggamit sa Serbisyo, malalapat din sa Iyo ang mga sumusunod na tuntunin, dagdag pa sa Seksyon 1-16 sa itaas, at sasaklawan din ng mga ito ang Iyong paggamit sa Serbisyo, pati na nang may kaugnayan sa paggamit Mo sa Pag-link sa Firebase. Maliban sa binago sa ibaba, hindi magbabago at patuloy na malalapat ang lahat ng iba pang tuntunin. Kapag may salungatan sa Seksyon 17 na ito at sa Seksyon 1-16 sa itaas, ang mga tuntunin sa Seksyon 17 ang tanging mananaig at may kontrol kaugnay ng Iyong paggamit sa Pag-link sa Firebase.

Idinagdag ang sumusunod na pangungusap sa dulo ng Seksyon 7 tulad ng sumusunod:
Kung magli-link ka sa proyekto sa Firebase ng Property sa GA (“Pag-link sa Firebase”), (i) ang ilang partikular na data mula sa Iyong Property, kasama ang Data ng Customer, ay puwedeng gawing naa-access para sa o sa anupamang entity o tauhan na nasa mga naaangkop na setting ng Serbisyo sa pamamagitan ng awtorisadong tauhang tinukoy sa naaangkop na mga setting ng Firebase (sa kabila ng mga setting na posibleng naitalaga Mo para sa Property sa GA na iyon sa Serbisyo).

Huling Na-update Mayo 15, 2023

Nakaraang bersyon